Tungkol :

Bilang isang mapagmasid na estudyante ng hercor college at Pinoy ay naisipan kong gumawa ng isang lipon ng mga lathain na karaniwan kong nakikita sa pang araw araw na pamumunahay ng ating mga kababayan. Ito ay inaalay ko para sa mga pinoy. Mabuhay! | Sikat ang Pinoy

Powered By:

Sariwang Komento

Hanapin Dito

Dito ay binibigyan namin ng puwang ang mga sikat sa pinoy.

Simbang Gabi | Isang Pagkilala

December 22, 2009

Anu ba ang mga uso sa pinoy ngayon? Ngayon na dumadampi na sa akin ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng maagang pag tunog ng kampana. Simbang gabe sa madaling araw - ayan at laging gasgas na sa aking tainga ang tanung na yan. Marahil marapatin mo na natin na talakayin kung anu ba talaga ang simbang gabe.

Tradisyonal na nating pinadiriwang ang pag-sisimbang gabe bilang pag salubong sa nalalapit na kapaskuhan. Ito ay nag sisimula sa ika-labing anim  hanggang ika-dalawangput-apat  ng Disyember.Ang simbang gabe o “Misa de Gallo (”Rooster’s Mass”) ay isang mahalagang tradisyon para sa ating mga Pilipino.

Bakit madaling araw, hindi gabi?

Sa ibang parte ng mundo ay talagang isineselbra ito tuwing gabe kaya lamang dito sa Pinas ay nakasanayan na nating mag simba ng madaling araw. Dahil na rin iyon sa mga impluwensya ng ibat’ ibang pinanggalingan ng simbang gabe sa Pinas. Isang kwento dito ang kakulanggan ng simbahan noong unang panahon samantalang napakarami ang nagsisimba tuwing nalalapit ang pasko. Kung kayat isang pare ang nakaisip na magkaroon ng simbang gabi upang maparami pa ang sesyon ng misa. 

Paniniwala

Sikat sa ating mga Pilipino ang paniniwalang, kapalit ng siyam na pagkumpleto sa simbang gabi ay pagkakalooban ka ng isang hiling. Subalit mula na din sa aking pansariling paniniwala - hindi mo na kailangan kumpletohin pa ang siyam na simba upang handogan ka ng isang hiling bagkos mula sa buong pusong pananalangin sa diyos ay ipagkakaloob niya sayo ang anumang iyong naisin.

Posted by sikatsapinoy at 9:35 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment