Tungkol :

Bilang isang mapagmasid na estudyante ng hercor college at Pinoy ay naisipan kong gumawa ng isang lipon ng mga lathain na karaniwan kong nakikita sa pang araw araw na pamumunahay ng ating mga kababayan. Ito ay inaalay ko para sa mga pinoy. Mabuhay! | Sikat ang Pinoy

Powered By:

Sariwang Komento

Hanapin Dito

Dito ay binibigyan namin ng puwang ang mga sikat sa pinoy.

Kawili-wiling Facebook

December 23, 2009

Pag dating sa mundo ng teknolohiya at kasikatan hinding hindi magpapahuli ang pinoy. Bagaman ang kahirapan ay laging nandyan ay pilit paring umaahon at nababahiran paring ng ngite ang kanilang mga oras. Mag libang ika nga nila kaya naman sa samut’sari libangan ang sumisikat ngayon sa bansa. Isa narito ang Facebook.

Ang Facebook ay isang uri ng komyunidad na website kung saan maaring mong ilahad ang iyong opinion at pananaw sa lahat ng taong nasasakupan nito. Makipagkilala - ayan ang unang layunin ng website na ito. Kaya naman maraming Pilipino ang nahuhumaling dito; maging ang may mga matataas na estado sa buhay ay di nakalagpas sa implyuwensyang dala ng Facebook.

Higit na sumikat ang facebook dahil sa alternatibong mga laro nito tulad ng farmville, restaurant city, pet society, ninja saga at iba pa. Talaga namang napaunlad nito ang konsepto ng nasabing website mula sa pag bibigayan, paligsahan at pagtutulungan. Dito napatunayan nating mga Pilipino ang ugali nating “bayanihan” na kahit sa mundo ng kompyuter ay buhay parin ang ating dugong matulungin.

Subalit sa kabila ng kasikatan ng Facebook ganun narin ang pag laganap ng masamang implwensya  nito. Maraming lathain ang naglipana tungkol sa masamang epekto ng nasabing laro. Halintulad narito ang mga kompanya na nalulugi dahil sa mga empleyadong nawiwili lamang sa laro, mga estudyanteng ginagamit ang oras ng pag aaral nila para sa Facebook, at ang pagbibigay ng higit na oras dito kaysa sa may mas importante pang-gawain.

At sa huli, walang magandang dulot ang lahat ng sobra. Tamang pag respeto sa mga bagay na nakapalibot sa iyo.

Para sa iba pang mga kwentong pinoy maaari mong sundan ang link: sikat ang pinoy

Posted by sikatsapinoy at 8:28 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment