Tungkol :

Bilang isang mapagmasid na estudyante ng hercor college at Pinoy ay naisipan kong gumawa ng isang lipon ng mga lathain na karaniwan kong nakikita sa pang araw araw na pamumunahay ng ating mga kababayan. Ito ay inaalay ko para sa mga pinoy. Mabuhay! | Sikat ang Pinoy

Powered By:

Sariwang Komento

Hanapin Dito

Dito ay binibigyan namin ng puwang ang mga sikat sa pinoy.

Sikat sa pinoy | Metro Manila Film Festival

December 30, 2009

Ang kabisera ng Pilipinas ay naglusad ng isang patimpalak na pinamagatang Metro Manila Film Festival 2009, na lalakad hanggang unang linggo ng Enero. Mula sa mga panahong iyon, tangging ang pitong lokal na Pillipinong pelikula ang maipapalabas sa mga sinehan. Kabilang sa mga pelikulang iyon ay “Ang Panday, tampok si Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang pangunahing bida; “Ang Darling Kong Aswang, mula sa pangunguna ng sikat na komedyanteng si Vic Sotto; at ang “I Love You, Goodbye, isang kwenta ng pag-ibig na kinatampokan nina Gabby Concepcion, Angelica Panganiban, Derek Ramsey at Kim Chiu.

Ang Metro Manila Film Festiva ay dinaraos taun-taon sa Manila, Philippines. Ang pagdiriwang ay nasisimula mula sa ika-25 ng Disyembre hanggang unang linggo ng Enero. Ang MMFF ay itinatag nung taong 1975, na tinuguriang pinakamagaling na pelikula ang “Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa ni Augusto Buenaventura.

Gaya nga nag nakagawian walang ibang banyagang pelikula ang pinahihintulutan na ilunsad sa nasabing panahon. Ang pestibal na ito ay binibigyan ng masusing pag-tingala na nagsisimula sa mga parada ng mga tampok sa mga kalahok ng nasabing pelikula.

Isa lamang itong patunay na tayong mga Pinoy ay umuukit ng sariling kasikatan sa bawat pagdiriwang na ginaganap taon taon gabay ang mas malalim na pananaw at pagkilala sa sariling kakayahan ng bawat pinoy.

Posted by sikatsapinoy at 9:10 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment