Home » Page 2
Patok sa Pinoy | E-load
January 29, 2010Dahil ng sa mga milyong-milyong gumagamit ng cellphone dito sa Pilipinas ito narin ang dahil kung bakit sikat sa pinoy ang mag negosyo ng mga e-load retailer na kung saan makakabili ka nga mga tingi tinging load sa pinakamabilis na paraan. Mula pa noong una ay hindi nag patalo ang mga Pinoy pag dating sa mga gadget tulad ng cellphone. Sa kabila ng samut-saring negatibong nangyayari patunay lang ito na ang mga Pinoy ay sadyang may mga pansiriling kakayahan upang pag hugutan ng pag-asa.
Sikat ang Pinoy pag dating sa mga gantong eksena na siyang nag tutulak sa atin upang mag sikap at umahon sa buhay. Kaya ang iba ay nag iisip ng kung ano’t anong negosyo na maaring sumikat sa pinoy. At gaya nga nagyon dahil sa kasagsagan ng cellphone ay ganun na lamang ang pagtanyag na E-load sa Pilipinas.
Sa E-load ay makakita ka ng malaki na walang malaking puhunan at wlang masyadong hirap ang kinakailangan. Tila kahalintulad lang nito ang pag bubukas ng sari-sari store kaya naman talagang sikat ito sa pinoy. Ang Pinoy ay may dugong madiskarte at dapat natin itong ipagmalaki sa buong mundo.
Pag papalaganap ng mga Sikat na Pinoy
January 28, 2010Mula sa pangunguna na mga kilalang SEO Consultant sa buong Pilipinas ay naging matagumpay ang pagpapalaganap ng mga katangi-tanging kahusayan ng Pinoy sa buong Mundo. Ang sikat ang pinoy ay isang programang nais makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at mga pagsasagawa ng mga event na may kinalaman sa Pinoy.
Ang Sikat ang Pinoy ay naging matagumpay sa unang dalawang buwan ng sikat ang pinoy. Dalawaan buwan at tila napakabata pa subalit malaki na ang napalaganp nito sa katanyagan ng pinoy at mging sa pagtulong bagyong Ondoy’s victims. Kamakailan nga ay umabot at kumatok sa puso ni Yoko Ono at agad naman niya pagtulong sa mga batang nasalanta ng bagyong Ondoy.
Ang sikat ang pinoy ay may isang bahagi kong saan maarin kayong maka access mula sa pinakamabilis na balitang local na may kinalaman sa pinoy. Ang Balita Ngayon ay bigay ulat ng Laganap.com na siyang may sariwang balitang para sa Pinoy at mula sa Pinoy.
Kaya nga sa mga nakaraang araw ay naging malaganap na talaga ang mga kagalingan ng Pinoy. Ito nga nakalipas na araw ay nag bigay pugay na naman ang buong mundo dahil sa kagalingan ng mga inmates na muli na namng namayagpag sa youtube. Sila ay ekslusibong tinulungan ng choreographer ni Michael Jackson upang mapagtagumpayan ang nasabing presentasyon.
Ang sikat ang pinoy ay wlang pagod na makapaghahatid balita sa inyo at mga kasikatan ng Pinoy sa buong Mundo. Kami ay patuloy na niniwala na ang Pinoy ay may katanginging kakayahang dapat ilathala sa buong mundo.
Campaign Theme Song | Sikat sa Pinoy
January 26, 2010Na LSS kana ba sa mga theme song na kakandito sa mga halalan 2010? Sa mga kanta nila Manny Villar, Bro. E
ddie, Noynoy at maraming pang iba sa national man o local. Naging common na ang mga patalastas sa mga telebisyon o maging sa mga radyo ang gantong eksena.
Sikat talga sa pinoy ang mga ganto kanta lalu pat para daw un sa mga Pilipinong mahihirap na siyang karaniwang makikita mo sa ating bansa. Kung tatanungin ang pangyayari ay epektibo naman ang gantong paraan ng mangangapanya. Ipanapakita ng survey na ang mga nangunguna sa mga advertisement ang karaniwang nangunguna din sa kanilang tala.
Paalala lamang sana ay hindi tayo mapadala sa mga gantong matatamis na awitin. Laging bigyan natin ng madiing pasya at rason kung bakit natin siya bobotohin sa nalalapit na eleksyon hindi dahil maganda ang kanyang awit.
Maiba tayo | Alam niyo ba
January 19, 2010alam nio ba na ang the biggest bell in Asia ang the 3rd biggest bell in the world ay nasa pilipinas?, ito ay matatagpuan
sa Pan-ay ay nasa loob ng Sta Monica Parish Church. Ito ay isa sa mga historical landmark dito sa Pilipinas at tinuring na tourist spot in the Philippines. narito ang picture na nasabing simbahan.
Ito ay gawa sa 70 sako coins na bigay ng mga taon duon. Ang buong Pilipinas ay kinararangal ang nag karoon ng gantong klaseng landmark dito sa bansa.
Magpasikat | sikat sa Pinoy
January 16, 2010Magpasikat ang pumalit sa Showtime matapos ang 20-days suspension na pinataw ng ng MTRCB. Mula sa mga pangunguna ng pareho paring mga host na sina Vhong Navarro, Anne Curtis and Kim Atienza, na layunin ng laro ng makipag kompetensya sa dating hurado na si Vice Ganda.
Ang “Magpasikat ay naging kapanapanabik na bersyon ng Showtime. Ang mga host ay naging aktibo sa mabisang paraan na pag indorso ng bagong palaro na “Where U’. Ngayon nga ay umiere ang Magpasikat ang tila di nabawasan ang mga taong tumatangkilik sa dating programa ng showtime.
Isa akong taga hanga ng showtime dahil sa magandda nilang intensyon na magpasikat nang mga malilit na tao at sa katotohanan ay malaki ang naiitulong nito sa mga Pinoy bilang isang pag-asa.
The Last Prince
January 14, 2010Unang linggo pa lamang ng The Last Prince ay di na mapigilan ang pag sikat nito sa Pinoy. Ang nasabing palabas ay kinatampukan ni Aljur Abrenica at Kris Bernal Sa ilalim ng GMA 7. Maganda ang tema ng pelikula at ng mga effects na ginamit dito iyon narin ang naging dahilan kung bakit nanguna agad ito sa prime time.
May halong romantiko ang tema ng nasabing palabas at may mahika na talaga namang ikakatuwa ng mga batang manunuod. Narito ang trailer ng The last Prince:
Higit namang inaasahan ang pag labas ng encantadia second saga ngayong taon matapos patikimin ng GMA 7 ng mga manununod ng bitin na bitin na trailer.
Sikat sa Pinoy | Monster Hunter
January 9, 2010Sikat na sikat sa Pinoy ang larong Monster Hunter sa platform na PSP. Mula sa mga usapan sa internet at mga tambayan ay maririnig ang monster hunter. Naihayag ng ito bilang best game of all time. Kung kaya’t hindi lamang sa Pinas pati narin sa buong mundo ang ka sikatan ng nasabing laro.
Ang Monster Hunter ay mula sa pag gawa ng Capcom na sya ding gumawa ng Tekken, Resident Evil, at ilan pang nangungunang laro sa Sega. Pinaganda ng mga interactibong mga karackter hanggang sa mga tourist spot na ginamit na setting sa mga laro. Mula sa malaking pag papahalaga sa pag likha ng laro ang ganun na lamang ang pag tangkilik ng mga tao sa monster hunter.
Isa na ang pinsan ko na is bro sa mga nahuhumaling dito, ani niya kahit na sa mga tambayan tulad ng mini stop, seven eleven at mga terminal ng MRT ay may nag papaunlak sa iyo upang laruin ang pdeng tulungan ang Monster Hunter. Ika ng nila the many the merrier.
Ang iba naman nagpapaskil ng mga monster hunter guide sa internet upang magabayan ang mga malalaro na mapagtagumpayan ang laro. Kaya anu pa ang hinihintay nyo? Sama sama na tayong mag hunt.
May Bukas Pa
January 5, 2010Isa sa pinaka sikat ngayon sa Pinoy ay ang teleseryeng may bukas pa na sumasakop sa ang ating mga telebisy
on tuwing sasapit na ang 7:45 ng gabi. Bunga narin siguro ng matinding pag promote ng ABS-CBN sa kanilang pambatong palabas. Mula sa kanta ay lagi mong maririnig ang kantang si “Bro ang Star ng Pasko.” Kahit sa mga malilit na bata ay mauulinigan mo mula sa maliliit nilang tinig ang pagka memoryadong pagkanta na pamaskong himig na ito.
Mula pa nuong una ay konsepto ng May Bukas pa ay para sa mga batang na naglalayon na matutunan ang mga mabubuting asal. Ako mismo ay natutuwa sa mgandang konsepto ang May Bukas Pa na sadyang may aral na kahit pa sa matatanda.
Si Santino ang pangunahing tauhan sa May Bukas Pa at sa tulong ng pag gabay ni Bro ( Jesus Christ ) sa pag papalaganap ng mga kabutihang asal.
Sikat sa Pinoy | Jollibeer
December 31, 2009Talaga namang nagulantang ang sambayanang Pilipino sa bagong lunsad na beer sa Jollibee o mas kilalang pambatang-kainan. Muka ngang katuwatuwa at di kapanipanilawa ang nasabing balita subalit nagkalat na sa mga billboard at mga social network ang mga imahe ng nasabing produkto ng Jollibee. Biglaang pag sikat sa pinoy sa ang nasabing produkto na dala narin ng pagtataka kung bakit nanlunsad ang Jollibee ng beer at tinawag na Jollibeer.
Mahirap talagang mawari kung anu pa ang mga sisikat pag-dating ng araw. Kaya nga di na ako ng matataka kung next year mag seserve na ang Jollibee ng the bar, tanduay, emperador, matador, generoso at gin sabay may mga makikitang kang nagtatagayang mga sunog-baga. oh yah BEEDA ang lasing!
Sikat sa pinoy | Metro Manila Film Festival
December 30, 2009
Ang kabisera ng Pilipinas ay naglusad ng isang patimpalak na pinamagatang Metro Manila Film Festival 2009, na lalakad hanggang unang linggo ng Enero. Mula sa mga panahong iyon, tangging ang pitong lokal na Pillipinong pelikula ang maipapalabas sa mga sinehan. Kabilang sa mga pelikulang iyon ay “Ang Panday, tampok si Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. bilang pangunahing bida; “Ang Darling Kong Aswang, mula sa pangunguna ng sikat na komedyanteng si Vic Sotto; at ang “I Love You, Goodbye, isang kwenta ng pag-ibig na kinatampokan nina Gabby Concepcion, Angelica Panganiban, Derek Ramsey at Kim Chiu.
Ang Metro Manila Film Festiva ay dinaraos taun-taon sa Manila, Philippines. Ang pagdiriwang ay nasisimula mula sa ika-25 ng Disyembre hanggang unang linggo ng Enero. Ang MMFF ay itinatag nung taong 1975, na tinuguriang pinakamagaling na pelikula ang “Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa ni Augusto Buenaventura.
Gaya nga nag nakagawian walang ibang banyagang pelikula ang pinahihintulutan na ilunsad sa nasabing panahon. Ang pestibal na ito ay binibigyan ng masusing pag-tingala na nagsisimula sa mga parada ng mga tampok sa mga kalahok ng nasabing pelikula.
Isa lamang itong patunay na tayong mga Pinoy ay umuukit ng sariling kasikatan sa bawat pagdiriwang na ginaganap taon taon gabay ang mas malalim na pananaw at pagkilala sa sariling kakayahan ng bawat pinoy.
Mas Mahal mo ba ang DotA | Sikat sa Pinoy
December 26, 2009Talaga namang patok sa mga Pinoy ang larong hango sa Warcraft - ang DotA or Defense of the Ancient. Mula pa ng 2005 ay hinawi ng nang dota mula sa mga sikat ng online games ang mga manlalaro san mang parte ng bansa at maging sa daigdig. Marami ang nagsasabi na ang DotA ay best game of all time. Kaya naman hanggang ngayon ay wala paring tigil sa pag update ang mga programmer ng nasabing laro. Kalakip ng kasikatan nd DotA ang mga samut saring patimpalak na nagaganap sa ibang parte ng mundo.
Sa mga nailimbag na mga larong kompyuter, sikat ang pinoy pagdating sa DotA. Sumusungkit tayo ng mga ranking mula sa mga patimpalak na nilalahukan ng buong mundo. Sa katunayan ng kahumalingan ng mga Pinoy sa nasabing laro ay may gumawa pa ng kanta para sa DotA. Narito po ang lyrics:
Chorus:
Bakit ba ganyan mas mahal mo pa ang dota
Gabi gabi pagtulog ko ay kayakap lang kita
Paggising sa umaga’y tinakasan mo na
Tapatin mo nga ako
Mas mahal mo ba ang pagdodota mo?
Pag gising sa umaga almusal ko na ay dota
Kahit wala nang pera ay handa akong gumyera
Umaasa na akoy makaisa
Ikaw ay pumusta dudurugin ang kalaban
4on4 or 5on5 that shit will never matter you will lose motherfucker I’m a farmer
And I’m a killer
Good game ka na bumawi na lang bukas
Repeat chorus
Isa dalawa tatlo magpupush mirana ko
Hindi mapipigilan nakamanta na ako
Pumapana, sapul ka nanaman, tangina ka patay ka nanaman bitch!
Hinahabol may leap yan boi hindi maabutan kahit faceless void
Tumi-tp na asa ka pa again tangina ka babalikan kita
Repeat chorus
Hindi kailangang magselos pa
Hindi naman kita pagpapalit sa dota
Anu bang ligaya ang dulot nyan
Wala ka nang pakealam
Matulog ka na lang
Repeat chorus
Isa lang patunay na talagang hindi papahuli ang pinoy sa kung anung sikat sa paligid niya.
Text at Call | Sikat sa Pinoy
December 24, 2009Talaga naman ang Pinoy ay di kailanman mag papahuli sa kung anu ang uso kalakip na ang ugaling palakaibigan. Kaya naman di nakaligtas sa kultura ng mga Pinoy ang cell phone na nag ooffer ng kung anu anung libangan. Higit na rito ang text at call na isa narin sa pinaka magandang pag-unlad sa laranggan ng komunikasyon.
Sa kabila ng samut-saring suliranin ng bansa ay may positibong pag-iisip ang pinoy upang libangin ang sarili sa kung anu meron sa kapaligiran niya. Masasabing cell phone ang pinaka laganap sa Pilipinas kaya naman talagang sikat ang pinoy pag dating sa mga unlimited text/call na ino-oper sa mga tumatangkilik sa kanya kanyang kompanya.
Higit na nakikita ko ang mga pinoy na sa di-kawalang pag-asa sa kung anu mang hamon ng buhay. Maging sa mga bagay na panghuhugutan ng lakas ng loob. Natural parin sa atin ang ngumite sa kung anu mang tinatamasa natin sa buhay.
Kawili-wiling Facebook
December 23, 2009Pag dating sa mundo ng teknolohiya at kasikatan hinding hindi magpapahuli ang pinoy. Bagaman ang kahirapan ay laging nandyan ay pilit paring umaahon at nababahiran paring ng ngite ang kanilang mga oras. Mag libang ika nga nila kaya naman sa samut’sari libangan ang sumisikat ngayon sa bansa. Isa narito ang Facebook.
Ang Facebook ay isang uri ng komyunidad na website kung saan maaring mong ilahad ang iyong opinion at pananaw sa lahat ng taong nasasakupan nito. Makipagkilala - ayan ang unang layunin ng website na ito. Kaya naman maraming Pilipino ang nahuhumaling dito; maging ang may mga matataas na estado sa buhay ay di nakalagpas sa implyuwensyang dala ng Facebook.
Higit na sumikat ang facebook dahil sa alternatibong mga laro nito tulad ng farmville, restaurant city, pet society, ninja saga at iba pa. Talaga namang napaunlad nito ang konsepto ng nasabing website mula sa pag bibigayan, paligsahan at pagtutulungan. Dito napatunayan nating mga Pilipino ang ugali nating “bayanihan” na kahit sa mundo ng kompyuter ay buhay parin ang ating dugong matulungin.
Subalit sa kabila ng kasikatan ng Facebook ganun narin ang pag laganap ng masamang implwensya nito. Maraming lathain ang naglipana tungkol sa masamang epekto ng nasabing laro. Halintulad narito ang mga kompanya na nalulugi dahil sa mga empleyadong nawiwili lamang sa laro, mga estudyanteng ginagamit ang oras ng pag aaral nila para sa Facebook, at ang pagbibigay ng higit na oras dito kaysa sa may mas importante pang-gawain.
At sa huli, walang magandang dulot ang lahat ng sobra. Tamang pag respeto sa mga bagay na nakapalibot sa iyo.
Para sa iba pang mga kwentong pinoy maaari mong sundan ang link: sikat ang pinoy
Simbang Gabi | Isang Pagkilala
December 22, 2009
Anu ba ang mga uso sa pinoy ngayon? Ngayon na dumadampi na sa akin ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng maagang pag tunog ng kampana. Simbang gabe sa madaling araw - ayan at laging gasgas na sa aking tainga ang tanung na yan. Marahil marapatin mo na natin na talakayin kung anu ba talaga ang simbang gabe.
Tradisyonal na nating pinadiriwang ang pag-sisimbang gabe bilang pag salubong sa nalalapit na kapaskuhan. Ito ay nag sisimula sa ika-labing anim hanggang ika-dalawangput-apat ng Disyember.Ang simbang gabe o “Misa de Gallo (”Rooster’s Mass”) ay isang mahalagang tradisyon para sa ating mga Pilipino.
Bakit madaling araw, hindi gabi?
Sa ibang parte ng mundo ay talagang isineselbra ito tuwing gabe kaya lamang dito sa Pinas ay nakasanayan na nating mag simba ng madaling araw. Dahil na rin iyon sa mga impluwensya ng ibat’ ibang pinanggalingan ng simbang gabe sa Pinas. Isang kwento dito ang kakulanggan ng simbahan noong unang panahon samantalang napakarami ang nagsisimba tuwing nalalapit ang pasko. Kung kayat isang pare ang nakaisip na magkaroon ng simbang gabi upang maparami pa ang sesyon ng misa.
Paniniwala
Sikat sa ating mga Pilipino ang paniniwalang, kapalit ng siyam na pagkumpleto sa simbang gabi ay pagkakalooban ka ng isang hiling. Subalit mula na din sa aking pansariling paniniwala - hindi mo na kailangan kumpletohin pa ang siyam na simba upang handogan ka ng isang hiling bagkos mula sa buong pusong pananalangin sa diyos ay ipagkakaloob niya sayo ang anumang iyong naisin.
Bakit Juan Dela Cruz ang Simbolo ng mga Pinoy?
December 21, 2009Ang Pangalang Juan Dela Cruz ay buhat sa Espanyol na lingwahe na ibig ipabatid ay “John of the Cross.” Nung unang panahon nang pananakop ng mga Espanyol sikat sa pinoy o laganap ang pag salo ng mga sa Pinoy sa banyagang apelyido buhat narin ng tatlong daang (300) taong pananakop sa Pilipinas. At isa pang maidadagdag nating dahilan ay ang pag ganap ng Romano Katolika sa pagkakaroon ng pangalan ng isang batang pinoy, ibig nilang isunod ang mga pangalan sa mga santo. At dahil ng si San Juan de la Cruz ay isang mapagmiligro na doktor ng simbahan; sya ang naging pinaka sikat para maging pangalan ng mga Pinoy.
Ang legal na katawagan ay nagbuhat kay Robert McCulloch Dick, isang manunulat mula sa Scotland habang siya ay nag-tatrabaho sa “The Manila Times”, ng mapansin nya na talagang laganap ang pangalan na Juan de la Cruz..






